Kelot na lumuray ng 10 babae sa Sorsogon tiklo

ARESTADO ng pulisya ang isang lalaking nanggahasa sa sampung kababaihan sa magkakahiwalay na lugar sa Sorsogon, Miyerkules ng madaling-araw.

Nakakulong na sa Sorsogon PNP ang suspek na si Rolando Garote, 45, ng Sta. Magdalena,  Sorsogon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pag-aresto sa suspek 1:30 ng madaling-araw kanina sa mismong bahay ng salarin.

Bago ito, halos sunod-sunod na dumulog sa Sorsogon PNP ang 10 kababaihan na hindi ibinunyag ang mga pangalan upang ireklamo ang panggagahasa sa kanila ni Garote.

Tawag ng tungkulin, nagkasa ng hot-pursuit operation kay Garote at sa tulong ng police informant ay natukoy ang pinagtataguan nito na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Sa presinto,  positibong itunuro si Garote ng sampung kababaihan na nanggahasa sa kanila.

Maliban sa kasong rape, sasampahan din ng kasong murder ang suspek dahil sa pagpatay naman sa kanyang kapitbahay ilang taon na ang nakararaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply