Nag-dive sa Pasig River bangkay na nang lumutang

PATAY na nang matagpuan ang katawan ng isang 17-anyos na binatilyo matapos itong malunod sa Pasig River nang mag-dive ito kasama ng ilan niyang mga kaibigan malapit sa Jones Bridge sa Binondo, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District–Homicide Section, ang biktima na si  Rodrigo Maturino ng1381 Bambang st., Tondo, Maynila.

Sa report ni PO2 Roderick Pacilan, dakong alas-5:05 ng hapon nang matagpuang palutang-lutang ang katawan ng biktima sa Pasig River malapit sa Jones bridge.

Nauna rito, nagtungo umano ang biktima at ilan nitong mga kaibigan sa nasabing tulay nuong Miyerkules, Hunyo 15, ganap na ala-1:00 ng hapon nang maisipan nitong tumalon sa tubig ng Pasig River.

Nang lumubog sa tubig ang biktima ay hindi na umano ito  nakaahon pa kaya humingi ng tulong sa Philippine Coast Guard ang mga kaibigan nito sa pagbabakasaling masagip pa ang biktma.

Nabigo naman ang mga tauhan ng PCG sa isinagawang rescue and retrieval nang hindi nila nakita ang katawan ng biktima sa ilalim ng tubig ng Pasig River.

Natagpuan na lamang umano ang bangkay ng biktima makalipas ng isang araw na paghahanap nang  lumutang ito at mabingwit ng mga Malacanang divers sa pangunguna ni PO2 Albert Sarmiento. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply