Kelot naputulan ng braso

NAPUTULAN ng braso ang isang desperadong lalaki nang tumalon ito sa mismong harapan ng Light Rail Train (LRT) Line 2 sa Cubao, Quezon City, Sabado ng umaga, Hunyo 11.

Nakasalba naman ang hindi nakikilalang biktima pero isinugod pa rin sa Quirino Labor Hospital (QLH) sanhi ng tinamong kapansanan sa kanang braso.

Ayon kay LRT spokesperson Atty. Hernando Cabrera, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa mismong LRT-2 Cubao station.

Bago ito, bumili pa umano muna ng ticket ang biktima sa teller booth at saka umakyat sa ikalawang palapag ng LRT building at saka naghintay ng tren.

Pero nagulat ang lahat ng mga naghihintay ng mga pasahero nang pagdating ng tren na patungong Santolan ay biglang tumalon ang biktima.

Nakapag-preno pa ang drayber ng tren pero naipit pa rin ang braso ng biktima.

Dahil naman sa insidente, pansamatalang itingil ang operasyon ng LRT trains mula Santolan papuntang Recto. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply