Kelot natagpuang patay

ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuan noong Lunes ng gabi, Hunyo 20, sa lansangan ng SPI, Road 3 Barangay New Lower Bicutan ayon sa follow-up operation na isinagawa ng Investigation Section ng Taguig City Police Station.

Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, ang biktima na binistay ng bala sa likod ay kinilalang si Christopher Vasquez, 34, at nakatira sa Barangay Western Bicutan ng nabanggit na lungsod.

Si Vasquez ay nakita bandang alas-7:45 ng gabi na nakayukayok sa kanyang motorsiklong Suzuki 110, kulay asul at itim at may plakang XI4193 na nakasandig sa pader sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.

Isasailalim sa pagsisiyasat ng mga awtoridad ang pitong basyo ng bala ng cal. 9mm na natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.

Patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga kapulisan upang matukoy at papanagutin ang salarin sa naganap na pamamaslang. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply