Kelot natodas sa motel

INAALAM na ng mga pulis ang dahilan ng pagkamatay ng isang lalaki matapos mahilo at mawalan ng malay sa isang kuwarto ng motel sa Caloocan City, Biyernes ng tanghali, Hunyo 17.

Hindi na nadala sa ospital si Rexteo Mercado, 50 ng Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Sa pahayag ni Marieta Agana, 34 ng Navotas, dakong alas-12:45 ng tangahali, nasa loob sila ng room 384 ng Victoria Court sa Bagong Barrio ng lungsod nang mahilo at mawalan ng malay si Mercado.

Humingi ng tulong si Agana sa mga tauhan ng motel subalit wala ng pulso si Mercado na naging dahilan upang tumawag sa mga pulis. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply