Kelot nilaslasan ng leeg ng katrabaho

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang 39-anyos na lalaki matapos laslasin ang leeg ng kapwa niya construction worker sa Sampaloc, Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Joel Simbaco Avila, ng 405 Geronimo St., Sampaloc, habang mabilis namang tumakas bitbit ang patalim na ginamit sa pamamaslang si Jay-ar Rosario, 22, ng 555 Amelia St., Sampaloc.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan ng 4:30 hanggang 5:00 ng Linggo ng madaling-araw saika-2 palapag ng construction site sa 427 Geronimo St., Sampaloc.

Bago naganap ang insidente, nagtungo sa isang videoke bar ang dalawa para mag-inuman.

Nang malasing at mawala sa wisyo ay basta na lang sinaksak ng suspek ang biktima bago tumakbo patakas sa lugar.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply