Lalaki pinagnakawan na pinatay pa

MATAPOS na pagnakawan ay pinatay pa ang isang 19-anyos na lalaki sa kanyang sariling bahay sa Quezon City, kahapon, Hunyo 16.

Naliligo sa sariling dugo ang biktimang si Cyrus Orsua, residente ng Maple corner Wallant St. Baranggay Sauyo, sa nabanggit na lungsod, nang matagpuan ng kanyang tiyahing si Salvacion Dalayon.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima nang matagpuan ito ni Dalayon sa kaniyang silid bandang 11:30 ng umaga.

Sa salaysay ng tiyahin, nadatnan umano niyang bukas ang pinto at gate ng bahay ng biktima. Pagpasok aniya sa loob ay tumambad sa kanyang harapan ang duguang pamangkin at wala ng buhay.

Dahil dito, agad na inireport ni Dalayon ang nangyari sa awtoridad.

Mabilis namang rumesponde ang tropa ng pulisya para imbestigahan ang insidente.

Sa pinangyarihan ng krimen ay nakuha ni Police Inspector Ronald Mendoza, ng Scene of the Crime Operative (SOCO), ang dalawang patalim na may bahid ng dugo.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad na nawawala ang cell phone at wallet ng biktima.

Dahil dito, pagnanakaw ang tinitignang anggulo ng mga awtoridad.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigayon ng pulisya upang matukoy ang salarin sa naganap na krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply