Kelot pinagtulungan ng 2 lolo

KRITIKAL ang isang lalaki matapos saksakin at sipain ng dalawang magkapatid na lolo matapos bastusin ng una ang mga bisita ng mga huli sa Malabon City Biyernes ng gabi, Hunyo 10.

Inoobserbahan sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng saksak sa tiyan at galos sa mga katawan si Jerry Ortis, 22, ng Gumamela st., Longos sa nasabing lungsod.

Nadakip naman ang magkapatid na Benedicto Bandong, 63, ng Camus st., Ibaba at Jose Bandong, 60, ng Gumamela st., kapwa ng nasabi ring lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, may bisita ang magkapatid sa bahay ni Jose nang mag-asal bastos ang biktima.

Hindi nagustusan ng magkapatid ang inasal ng biktima hanggang sa lapitan ni Benedicto at saksakin kung saan sinundan pa ng sipa ni Jose.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa PLM habang sumuko naman sa mga pulis ang magkapatid. Rene Manahan

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply