Kelot pinugutan ng ulo ng 7 kalalakihan sa Samar

BRUTAL ang pagkamatay ng 54-anyos na lalaki matapos pagtatagain saka pinugutan ng ulo ng pitong lalaki sa Brgy. Binubukalan, Hinabangan Samar, iniulat ng pulisya Martes ng gabi.

Nabatid na nagtamo ng 11 sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na pinugutan pa ng ulo si Rodolfo Nabual, ng nasabing barangay.

Sumuko naman kaagad ang isa sa mga suspek na kinilalang si Eddie Nabual, 24, pamangkin ng biktima.

Sa panayam sa anak ng biktima,  dismayado umano sila dahil sa hindi man lang nagresponde ang mga kapulisan ng Hinabangan Samar sa crime scene para siyasatin ang pangyayari.

Hinala ng awtoridad na matandang alitan ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply