Tiyuhin kinarne ng pamangkin, 6 iba pa

ISANG lalaki ang pinagtataga at pinugutan ng ulo pitong lalaki, kabilang ang kanyang pamangkin sa Hinabangan, Samar.

Kinilala itong si Roberto Nabual, 54-anyos, may-asawa at residente ng Barangay Binubukalan sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng Hinabangan Police, nagtamo ng 11 sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Nabual at pinugutan pa ng ulo.

Sumuko naman ang isa sa mga suspek na si Eddie Nabual, 24-anyos. pamangkin ng biktima.

Hinihinalang alitan sa lupa ang motibo ng insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply