Kelot sinapak ng parak dahil sa balut

INIREKLAMO ng pananapak ng isang kelot ang kalugar na parak nang sapakin siya matapos pagbintangang nagnakaw ng balut ang huli sa Caloocan City, Miyerkules ng umaga, Hunyo 29.

Sa reklamo ni Erwin Manuel, 20, ng PNR cmpd., alas-11 ng umaga habang naglalakad sila ng kanyang kaibigan na si Archie at nang mapatapat sa bahay ni PO2 Dennis Custodio at hinarang siya saka sinapak.

Matapos ang insidente ay nagtungo sa presinto si Manuel at nagreklamo kung saan nagreklamo naman si Custodio dahil sa pagmumura at pagbibintang na ninakawan niya ng balut ang una.

Nabatid na si Custodio ay nakatalaga sa National Capital Region Police District.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply