Kelot sinilo bago pinagnakawan ng 3 loko

SINILO ng lubid bago itinakbo ang biseketa, iPod at pera ng isang lalaki ng tatlong loko sa Caloocan City kagabi, Hunyo 27.

Nadakip naman si Leonardo Delina, 24, residente ng Tanigue St., ng nabanggit na lungsod habang nakatakas naman ang dalawang hindi pa nakikilalang kasama nito.

Nabawi naman ang bisikleta (BMX) ng biktimang si Andrew Cardona, 29, taga-Tambakan St., ng naturang lungsod din.

Sa ulat, dakong alas-otso ng gabi, nagbibisikleta ang biktima sa C-3 road ng lungsod at nang mapatapat sa mga suspek ay biglang sinilo  ng lubid si Cardona.

Dahil dito, agad na na bumagsak ang biktima at agad na inagaw ng mga suspek ang bisikleta, wallet na naglalaman ng P2,800 at iPod bago nagsitakas.

Nakahingi ng tulong ang biktima sa mga pulis at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Delina at nabawi ang BMX habang nakatakas naman ang mga kasama nito dala ang pera at iPod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply