Kelot sinuwag ng bus sa EDSA todas

PATAY ang isang lalaki makaraang magulungan ng bus ang ulo matapos masagasaan Linggo ng madaling-araw sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang nakilala sa pamamagitan ng kanyang SSS ID at BDO ATM card na si Xavier Constant Pacquing, 50.

Sumuko naman ang suspek na si Jovani Appari, 36, ng Bulacan at driver ng RBM Transport Bus na (TXV-437) sa mga kagawad ng traffic police.

Sa imbestigasyon ni PO3 Perlito Datu ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, naganap insidente dakong 12:30 ng madaling araw kanina sa kanto ng EDSA at Aurora Blvd sa QC.

Ayon sa ulat, tumawid ang biktima sa kahabaan ng EDSA  nang mahagip ng bus na minamaneho ni Appari.

Sinabi ng driver ng bus na hindi umano niya alam na may nasagi siyang tao at napansin na lang ng kanyang mga sakay na parang tumaas ang hulihang bahagi ng bus.

Agad bumaba ang driver at doon ay nakita niya ang biktima na nasa hulihang bahagi ng gulong ng bus ang durog na ulo nito.

Kasong Reckless Imprudence resulting in homicide at damage to property ang kakaharapin ng suspek na ngayon ay nakapiit sa tanggapan ng Sector 4 ng QCTEU na nasa Kamuning/EDSA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply