Kelot swak sa manhole

ISANG lalaki ang nahulog sa manhole malapit sa kanyang karinderya sa Quezon City.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa rin natatagpuan ng mga rescuers ang biktimang si Gomer Beltrano, 38, matapos itong mahulog sa isang manhole na nasa Sgt. Esguerra st., Barangay South Triangle.

Ayon sa nakasaksi, si Beltrano ay tinangay ng malakas agos ng 20-foot drainage canal dakong alas-9:30 Biyernes ng gabi, Hunyo 24, at simula noon ay hindi pa nakikitang muli.

Iniulat na bago ang insidente, ay may kinukuha ang biktima at ilan niyang kaibigan na isang kapirasong kahoy na lumulutang sa mismong concrete manhole covers.

Nakatungtong si Beltrano sa takip ng manhole nang biglang bumaligtad ito kaya nahulog ang biktima sa loob mismo nito.

“Ppag-apak niya sa takip ay nalaglag po siya,” pahayag ng kapatid ng biktima na si Criselda.

Nagsasara ang biktima ng kanyang karinderya nang mangyari ang insidente. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply