Kelot, tinadtad ng bala, isinilid sa sako

HAPON na nang maiulat ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuang nakasako sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila at may siyam na tama ng bala sa katawan.

Tinatayang nasa edad na 35 hanggang 45 anyos ang biktima, maitim, semi-kalbo, nasa 5’5″ ang taas, nakasuot ng kulay pulang t-shirt, at naka-pantalon. Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan dito.

Batay sa ulat ni Detectives Gerry Rivera at Ramoncito Tolentino kay P/Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-nuwebe ng umaga ng Huwebes nang madiskubre ang bangkay.

Ayon sa mga detective, wala namang nakakakilala sa biktima na natagpuan sa Purok 5, Isla Puting Bato.

Hinalang sa ibang lugar pinatay ang biktima at napadpad lamang ito ng alon sa lugar kung saan napaulat ang nakasakong bangkay.

Kasalukuyang nakalagak sa pinagdalhang morgue ang biktima para sa kaukulang awtopsiya at sa pagkakakilanlan dito.

Isang masusing imbestigasyon naman ang isinagawa ng pulisya upang papanagutin ang salarin sa nasabing pamamaril.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply