Kelot tinuka sa lips ng ahas

ISANG lalaki ang kinagat sa labi ng ahas na tumabi sa kanyang pagtulog nitong Biyernes, Hunyo 24, sa General Santos City.

Hanggang sa kasalukuyan ay binabantayan pa ng mga doktor kalagayan ng biktimang kinilalang si John Mark Samlig, 18, ng Cabuay, Sinawal, General Santos City.

Ang insidente ay naganap habang natutulog ang biktima sa kanyang kubo sa isang tubuhan.

Ayon sa impormasyon mahimbing ang pagtulog ni Samlig at hindi umano namalayan na ang kanyang katabi ay isang makamandag na cobra.

Nagising ang biktima nang biglang may kumagat sa kanyang labi at gayun na lamang ang pagkagulat nang makita ang isang ahas sa kanyang tabi.

Humingi kaagad ng tulong ang biktima sa kanyang mga kasamahan at dinala sa pagamutan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply