Kelot tinusok ng 2 adik

KRITIKAL ang isang lalaki matapos pagtutusukin ng icepick ng dalawang adik nang matagalan ang mga ito sa paglabas ng banyo ng biktima sa Caloocan City Sabado ng madaling araw, Hunyo 11.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tusok ng icepick sa katawan si Rannie Uy, 27 ng Baltazar Bukid sa nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na Batotoy at alyas Cryvin at mga kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw, gumamit ng banyo ang biktima sa nasabing lugar habang naghihintay ang mga suspek upang gumamit din.

Natagalan ang biktima at na-badtrip ang mga suspek at paglabas ay pinagtulungan pagtutusukin ito.

Matapos ang inisdente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply