Kelot todas nang magpahangin sa labas

UTAS ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay nang mawalan ng kuryente sa kanilang lugar sa Caloocan City Biyernes ng madaling araw, Hunyo 17.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University Hospital sanhi ng tatlong saksak sa katawan si Edwin Arroz, 29, residente ng Heroes Del 96, D.M. Compound, ng nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Marilyn Bautista, dakong 2:30 ng madaling araw, nagising sila nang mawalan ng kuryente sa kanilang lugar at dahil mainit ay lumabas ng kanilang bahay si Arroz upang magpahangin.

Hindi pa nagtatagal ay muling bumalik ang duguan nang biktima dahilan upang dalhin ito sa nasabing pagamutan ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nasabing insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply