Kelot itinumba ng sekyu

MAY isang tama ng bala sa likuran na naglagos sa dibdib ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuan Miyerkules ng madaling araw na patay na .

Tinatayang nasa edad na 20-25 anyos ang biktima, may taas na 5’4″ hanggang 5’5″, nakasuot ng kulay brown na sando at short pants na itim na may stripe na puti at may tattoo sa kaliwang hita na pangalang “Vanjang” at sa kanang hita naman ay pangalang “Benjo.”

Batay sa ulat ni Det.Jose Gumilan na isinumiti kay Senior Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, nasa pagitan ng ika-2 at ika-2:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Jose Abad Santos Ave., malapit sa Bukang Liwayway St. sa Tondo, Maynila.

Isang security guard ng isang malapit na gusali ang hinihinalang responsable sa pamamaril. Nang puntahan ito ng mga awtoridad upang imbestigahan ay nakaalis na umano ito.

Ayon sa ilang residente, isang malakas na putok ng baril ang kanilang narinig kaya agad din itong ipinagbigay alam sa naka-duty na barangay kagawad na si Jaime Tolentino ng Barangay 229, Zone 21 na silang nag-report sa pulisya.

Nabatid sa ilang tambay sa lugar, may nakakita umano na may kinakalikot ang biktima sa isang nakaparadang Izusu Truck (EVP-861) at ilang sandali pa lamang umano nang makita itong tumatakbo papalayo at dito na nakarinig ng malakas na putok ng baril.

Pagsapit sa harapan ng isang Sym Trade Industrial Sales & Services sa 1995 Jose Abad Santos Avenue ay humandusay ang biktima na wala ng buhay.

Sa pagsisiyasat ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakitaan ng isang open wrench (liabe) ang biktima sa kaliwa nitong bulsa kaya hinalang gumagala ito sa madaling araw at naghahanap ito nang mananakaw.

Dinala ang bangkay sa St. Yvan Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya at sa pagkakakilanlan dito habang patuloy na inaalam ang pangalan ng sekyu na sinasabing nagtago na matapos ang pamamaril. Rene Crisostomo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply