Kelot utas sa onsehan sa droga

HINIHINALANG onsehan sa iligal na droga ang dahilan ng pamamaril sa isang lalaki na ikinamatay nito sa Quezon City, kagabi, Mayo 31.

Dead on the spot ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Jabar Omar, nasa edad 30-35 at may katamtamang pangangatawan.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa may Cotobato St., sa harapan ng 27 Salaam Mosque Compound Barangay Culiat, ng nsabing lungsod.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO3 Archie Buctuan ng Talipapa Police Station 3, habang nakatayo ang biktima sa nasabing lugar ay bigla na lamang lumapit ang salarin at walang awang pinagbabaril ang biktima hanggang duguang bumulagta.

Agad naman tumakas ang salarin matapos ang pamamaril dala ang ginamit na baril.

Nakuhaa ng pulisya sa pinangyarhan ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.

Hinala ng pulisya, partihan sa pinagbentahan ng iligal na droga ang pinag-ugatan ng krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply