Kelot utas sa saksak

TODAS ang isang 41-anyos na driver matapos masaksak ng grupo ng kabataan na miyembro ng “Trece Hudas Gang” na nakaaway ng anak ng kanyang nakainuman Linggo ng gabi, Hunyo 19, sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si Waldo Espino ng 731  Sisa st., Sampaloc, Maynila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang isang alyas Jr. mukha o  Jr. baba na miyembro ng “Trece Hudas Gang” at nakatira sa Alindada st., ng nasabing lugar at humigit kulang sa 15 hanggang 20 kasamahan nitong kabataan na mga armado ng patalim at sumpak at responsable sa  pangyayari.

Sa report ni PO2 Alonzo Layugan, dakong alas-9:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Anzures at Fajardo streets sa Sampaloc, Maynila.

Nauna rito,katatapos lamang umanong mag-inuman ang biktima kasama sina Edwin Calayaan, at Richard Sartou  sa Sisa st. sa nasabing lugar.

Nagpasya ang biktima at Calayaan na ihatid si Sartou sa kanilang bahay nang makarinig sila ng putok ng baril at napansin ang kaguluhan ng mga kabataaan kung saan ang grupo ng mga suspek ay lulan ng tricycle.

Tinatarget umano ng mga suspek ang grupo naman ng anak ni Sartou kaya nakisali ang biktima at si Calayaan sa gulo ng magkabilang grupo nang bigla na lamang bumagsak sa semento ang biktima na duguan.

Agad na isinugod sa United Doctors Medical Center (UDMC ) subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong tama ng saksak sa kanyang likod.

Nagsasagawa naman ng follow up operation ang pulisya para sa ikadarakip ng mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply