Kenyan, Pinoy timbog sa P24-M shabu buy-bust

ARESTADO ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babaeng Kenyan national na miyembro ng African Drug Syndicate (ADS) at isang Filipina na recruiter umano ng drug couriers makaraang mahulihan ng 4.5-kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P24 milyon sa isinagawang entrapment operation sa Maynila Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni PDEA Director General  Jose S. Santiago Jr. ang mga nahuling sina Elizabeth Runana Nyamdura, isang Kenyan, at Maria Grace Navarro, alyas Gina Lacson, recruiter, ng Concepcion, Tarlac.

Base sa PDEA Special Enforcement Service (SES), inaresto ang dalawa matapos iabot sa isang PDEA agent ang isang pakete ng shabu sa Room 429 ng Hostel 1632 sa Malate, Manila.

Ayon kay Gutierrez, matagal na nilang sinusubaybayan si Lacson dahil ito umano ang recruiter ng limang Filipino worker na kinabibilangan nina Beverly Uyan, Melanie Pangan-Manalac, Lawrence dela Cerna, Joselyn Valdez-Cruz at Godofredo Sevillo Sebalda na nahuli noong 2007 at 2008.

Ang lima ay nakakulong ngayon sa Tsina sa kasong drug trafficking.

Pansamantalang nakapiit sa jail facility ng Metro Manila Regional Office sa PDEA ang dalawang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa laban sa  kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply