Kidney Awareness Month

GINUGUNITA ngayong Hunyo ang Kidney Awareness Month.

Dahil dito, pinaaalalahanan ni Dr. Nenita Collantes ang publiko na alagaan at ingatan ang kanilang kidney.

Ayon kay kay Dra. Collantes, dapat palging alagaan at ingatan ng tao ang kanilang kidney hindi lamang ngayong kidney awareness month.

Ang main function ng kidney ay ihiwalay ang urea, mineral salts, toxins at iba pang waste products mula sa dugo. Ito rin ay nagko-conserve ng tubig, asin at electrolytes. Ayon sa siyensya, kailangan kahit isa sa dalawang kidney ay nagpa-fuction ng mabuti upang mabuhay ang isang tao.

Sinabi ng doktora na mag-ingat ang publiko sa kanilang kinakain. Aniya sensitibo ang bato sa kinakanin, pagiging highblood at diabetes.

Pinaalalahan din ni Dr. Collantes na ilan sa mga klase ng antibiotics at pain relievers gaya ng mefanamic acid at ibrofupen na madalas na ginagamit na panlunas sa sakit ng ulo at ngipin ay masama rin para sa kidney.

Payo nito, hangga’t kayang tiisin ang sakit, huwag uminom ng mga nasabing gamot o antibiotics na walang prescription ng doktor.

Dagdag din nito dapat ay magkaroon din ng moderasyon sa pagkain ng karne at mamantikang pagkain.

Hindi rin maganda aniya ang sobra-sobrang pag-inom ng alak at energy drink.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply