Killer FB

NAKAPANGINGILABOT ang mga nauulat na kaso ng brutal na pagpatay na nagsimula sa

pagkakaibigan daw sa Facebook.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas, isang call center agent ang pinagnakawan at pagkatapos ay brutal na pinatay ng kaibigan daw na naka-connect ng dalaga sa FB.

Hindi ito ang unang ganitong kaso. May isang sikat na TV director pa nga na pinagsasaksak din ng kaibigan daw na nakilala sa FB dahil hindi binigyan ng biktima ng pera ang suspek. Meron ding kaso ng rape at iba pang karumaldumal na krimen na ang kriminal ay nakilala lamang ng mga biktima sa pamamagitan ng FB.

Nakakabahala ito lalo sa mga magulang na may mga batang anak na sobrang involved sa FB at sa iba pang mga katulad na social networking sites. Paano nga naman natin mapo-protektahan ang kabataan sa mga krimen na nagmumula sa FB? May mga batas tayo na makatutulong sa pag-iwas at pagsugpo ng krimen pero walang batas para mapilit natin ang isang indibidwal para mag-ingat sa kanyang pakikitungo sa mga taong nakilala lamang sa mga paraan tulad ng FB connections.

Naging halos bahagi na ng araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang Facebook, sino ang mag-aakala na maaari pala itong maging sanhi ng kapahamakan. Hindi naman natin pwedeng ipagbawal ang paggamit ng FB, dahil may tulong din naman ito. Una na ang koneksyon sa ating  mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.

May iba ring Pinoy na ginagamit ang FB para sa kanilang negosyo. Kailangan lang maging bukas ang ating mga isip at pakiramdam sa kung ano ang tama at ang mali sa paggamit natin sa ganitong mga social networking sites. Dapat alam natin kung kailan tama at kung kailan mali ang paglalahad natin ng mga personal na impormasyon. Sa huli, common sense at personal sense of security and safety pa rin ang magliligtas sa atin.

Sa nagbabagong mundo, mas malaya pero mas mapanganib din. Ang tao ay may kakayahan

namang mag-adapt dahil binigyan tayo ng Diyos ng kakayahang mag-isip a maging

maingat.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com.

Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply