Killer ng negosyante, financier ng Kuratong at Alvin Flores Gang

MATAPOS ang limang taong pakikibaka sa husgado, posibleng mabigyan na ng katarungan na nais ng pamilya ng pinaslang na negosyante sa Parañaque City matapos mahuli ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang killer nito, na lumalabas din na financier pala ng Kuratong Baleleng at Alvin Flores gang.

Kinilala ni NBI Director Magtanggol Gatdula ang suspek na si Anita Chua Buce, 65, negosyante ng Pandacan, Manila.

Bukod kay Buce, binitbit din sina Jovito Isidro at John dela Cruz.

Nabatid sa ulat ng NBI, si Buce umano ang iningusong utak sa pagpatay kay Gil Manlapaz Sr., grocery store owner, noong June 29, 2006.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng NBI-Anti-Organized Crime Division (AOCD) sa pamumuno ni Head Agent Rogelio M. Mamauag, binaril at napatay ang biktima noong hapon ng June 29, 2006 habang nagbabantay sa loob ng pag-aari nitong grocery sa Pedro Git St., Sta Ana, Manila.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng NBI, natumbok ang suspek nang inguso ng hired killer na si George Duazo.

Makaraan ang limang taon na labanan sa korte, ngayon pa lamang kinasuhan ng Manila RTC, Branch 173 ng murder si Buce.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply