Killer ni Evangelista ipinatutugis ng QCRTC

IPINATUTUGIS na ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa awtoridad ang gunman o pumatay kay car dealer Venson Evangelista.

Sa direkatiba ni Judge Ma. Luisa Padilla ng Branch 215, ipinadadakip nito sa lalong madaling panahon sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Philippine National Police (PNP) ang suspek na si Rolando Talban, alyas Rolly, at isa pang suspek na nagngangalang Eduardo Fernandez.

Inilabas ang arrest warrant sa suspek nang kilalanin o inguso ng state witness na si Alfred Mendiola si Talban na bumaril at nakapatay kay Evangelista.

Sinabi ng abogado ni Mendiola na si Atty. Willie Rivera, na madali para sa kanyang kliyente na positibong kilalanin si Talban bilang “trigger man” sapagkat maay alam ito sa Evangelista carjack-slay na naganap noong Enero 13.

Ikinumpisal nina Mendiola at Ferdinand Parulan na sila ay parte na dumukot kay Evangelista, at inginuso si Raymond Dominguez at ang kanyang kapatid na si Roger bilang masterminds sa krimen.

Si Mendiola rin ang nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng magkapatid na Dominguez sa hideout nila sa Pampanga.

Kinasuhan ang magkapatid na Dominguez at ang kanilang umano’y kasabwat na si Jason Miranda, ng carjacking with murder sa Quezon City Prosecutor’s Office na nagdiin sa tatlo at naiakyat ang kaso sa Branch 215.

Ibinasura naman ni Padilla ang mosyon ni Rivera para mailipat si Mendiola mula sa Bulacan Provincial Jail sa Malolos sa Angeles City Jail.

Inilagay si Mendiola sa Witness Protection Program of the Department of Justice, pero natakasan ang kanyang mga escorts noong nakaraang linggo ngunit voluntaryong sumuko rin kay Bulacan Provincial Jail warden Pepito Flamenco.

Nitong nakaraang Lunes, sinabi ni Quezon City Jail warden Joseph Vela na hindi nila matatanggap si Mendiola, dahil masyado nang maraming preso ang nakakulong dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply