Klase sa Albay kanselado

NAGPALABAS ng kautusan si Albay Gov. Joey Salceda na masususpinde ang mga klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan dahil sa matinding pag-ulan.

Lubog na umano sa tubig-baha ang karamihan sa 14 na munisipyo at tatlong siyudad sa lalawigan, ayon sa lokal na disaster risk management team.

Ayon sa gobernador, nagpasya siyang kanselahin ang pasok sa lahat ng lebel ng paaralan para hindi malagay sa delikado ang mga bata sa kanilang pagbiyahe patungo at mula sa kanilang mga paaralan.

Samantala, suspendido na rin ang paglalayag ng anumang sasakyang pandagat sa buong rehiyon ng Bicol dahil sa bagyong “Falcon.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply