KMU sumugod sa tanggapan ni Sen. Revilla

SINUGOD Lunes ng hapon ng militanteng grupo ang tanggapan ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. upang personal itong makausap.

Ang pagtungo ng Kilusang Mayo Uno sa tanggapan ni Revilla ay hindi upang magsagawa ng protesta. Sa halip ay  nagpasalamat ang senador sa pagsuporta nito sa kanilang layunin para sa ikabubuti ng mga manggagawa.

Pasado alas-dos ng hapon nang sumugod at nakipagdayalogo kay Revilla ang nasabing grupo kaugnay sa mungkahing P125 legislated wage hike.

Ayon sa grupo labis nilang ikinagagalak ang pagkilala ni Revilla sa mga manggagawa at sa hirap na nararanasan ng mga ito dahil hindi sapat ang kinikita para tustusan ang pang-araw-araw na gastusin.

“We are glad that someone from the Senate in the person of Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla recognizes the workers’ suffering from starvation-level wages especially amidst unabated price increases and filed for a P125 daily across-the-board increase in the salary rates of employees and workers in the private sector through Senate Bill 1981,” nakasaad sa kalatas ng KMU.

Umaasa ang grupo na ang pagsuporta ni Revilla ay magiging simula ng pagsuporta na rin ng ilang mga kasamahan nito sa Senado para sa kapakanan ng mga manggagawa.

“We hope that this becomes the signal for a widening support for the long-overdue P125 legislated wage hike both in Congress and Senate and would lead to its immediate passage,” ayon pa sa KMU.

Bilang pasasalamat at pagkilala sa suporta ng senador pinarangalan ng KMU si Revilla sa pagbibigay ng plaque of appreciation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply