Kongresista dismayado sa Senado

DISMAYADO ang ilang kongresista ang pagsang-ayon ng Senado kaugnay sa pagpapaliban ng eleksiyon sa Autonomous Region in Mindanao (ARMM).

Tahasang sinabi ni Rep. Jack Enrile na nakakalungkot ang sitwasyon dahil  maging ang mga inaasahan nilang expert sa Constitution ay pumabor sa pagpapaliban ng ARMM election tulad ni Senator Miriam Santiago na latantang pumanig na sa administrasyon.

Habang dismayado ang ilan Kongresista, nagdiriwang naman ang Palasyo dahil mapasisimulan na umano ang reporma sa ARMM.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda,  wala ng hahadlang para ganap na maisulong ang mga reporma sa politika  at eleksyon sa rehiyon.

Pangunahin na sa mga hakbang ng gobyerno ay linisin muna ang listahan ng mga botante sa ARMM at  matuldukan ang tinatawag na command votes.

Nagpasalamat naman ang Palasyo kina Senate Pres. Juan Ponce-Enrile at Sen. Franklin Drilon na silang pangunahing nagsulong sa ARMM postponement bill.

Sa ilalim ng panukala ni Drilon,  isasabay na sa May 13, 2013 midterm elections  ang ARMM elections na orihinal na nakatakda sa Agosto 8 ngayong taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply