Kongresista pinakakasuhan sa Sandiganbayan

IPINAG-UTOS ni acting Ombudsman Orlando C. Casimiro ang pagsasampa ng kasong malversation of public funds laban kay incumbent North Cotabato 1st District Rep. Jesus N. Sacdalan matapos makita ng ombudsman na may probable cause ang reklamo sa kanya.

Nabatid na nangyari ang insidente taong 2008 panahon pa ng panunungkulan ni Congressman Sacdalan bilang punong lalawagin ng probinsiya ng Cotabato. Nagpalabas umano ang lalawigan ng P16.6 milyon na calamity fund subalit ang iba dito ay pinambili lang umano ng gasolina para gamitin sa isa isang road rehabilitation project.

Nakatakdang ihain ng ombudsman ang reklamo laban kay Sacdalan sa Sandiganbayan anumang araw ngayong buwan ng Hunyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply