Konsehal, anak nakipagbarilan sa parak, tigbak

PATAY ang isang dating konsehal at kanyang anak, habang tatlong iba pa ang nasugatn nang makipagbarilan sa mga rumespondeng kagawad ng Pangasinan PNP, iniulat ng pulisya Lunes.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame ay kinilala ang mga nasawi na sina  Gener at ama nitong si Rodrigo Eliazar, dating municipal councilor at dati ring barangay leader ng Brgy. Lebueg.

Kinilala rin sa ulat ang mga  nasugatan na sina PO3 Erwin Lopez , na nagtamo ng bala sa magkabilang paa, Brgy. Kapitan Edgar Eliazar, na tinamaan sa likod at braso at brgy. kagawad na si Rogelio Lopez na tinamaan sa balakang.

Sa report sinasabing rumesponde sina Laoac PNP chief P/SrInsp. Lodovico Eliazar at mga tauhan nito sa reklamo ng mga residente ng Brgy. Lebueg dahil umano sa walang habas na pagpapaputok ng baril ng mga suspek na kamag-anak din.

At nang kanilang puntahan ang lugar, nadatnan nila si Gener at ama nitong si Rodrigo.

Nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga pulis at mga suspek kung saan bigla na lamang pinaputukan ng mga suspek ang awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis hanggang sa tumagal ang palitan ng putok at nakitang bumagsak ang mag-ama.

Dinala sa Sacred Heart Hospital ang mga sugatan, habang ang mga bangkay ay isinasailalim sa awtopsiya.

Sa paliwanag ng pulisya, gawain na umano ng mag-ama na magsagawa ng indiscriminate firing lalo na ang anak na si Gener na sangkot din umano sa ilang kaso na may kinalaman sa mga armas

Samantala, narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang cal. 45, M16 at M14.

Inaalam nila ngayon kung sino ang nakapatay sa mag-ama at kung mayroong lisensya ang narekober na mga armas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply