Korap na pulis, di mapigil dahil sa tong collection

SIMULA nang maupo bilang Provincial Director ng Batangas itong si Supt. Rosauro Acio ay nagkagulo-gulo ang tabakuhan sa lalawigan.

Sa halip kasi na ipahuli at ipatigil ni PD ang iba’t ibang  iligal na pasugalan sa nasasakupan nito, ang lingguhang intelihensya ang pinagkakaabalahan.

Halos nagkakagulo at hindi magkandauga-ugaga ang mga iligalista sa Batangas nang puwersahang hingan ng ubod ng laki ng ‘tara’ ng bagman ni Supt. Acio na si Maj. Ramil Agbunag, ng S2 ng Batangas-PNP.

Noong maupong PD si Acio ay pinadama lang muna niya nang sandali ang mga dating engkargado sa mga bisyo. Pero hindi nagtagal ay tsinugi rin ang mga engkargado at saka inilagay ang bagman nitong si  Maj. Agbunag.

Ang balita nga natin, pag-kalagay ni Supt. Acio kay Maj. Agbunag, nagpatawag kaagad siya ng meeting ‘exclusive’ lang sa mga ‘lord of lords’ (iligalista) sa PTU Office.

Ang gusto kasi na mangyari ni Maj. Agbunag, gawing ‘centralized’ ang bigayan ng ‘tong-collection’.

Sa halip na indibidwal ang bigayan sa  tong-collection ay ise-centralize na lang ito.

Nagulat daw ang mga Batangueñong iligalista sa gustong mangyari ni major.

Mantakin ninyong sa isa raw na iligalista ay tinatarahan daw ng P50K. Depende kung anong klase ang kanilang ipinapasugal: kung ito ay jueteng, loteng, STL, etc.

Ang masakit nito, pag hindi sumunod sa kagustuhan ni major ang mga iligalista ay pinagbabantaang ipasasara ang kanilang mga  pasugalan.

Paging: Region 4-A RD Gen. Gil Meneses, ano ba yang ginagawa ng mga pulis na gaya ni Maj. Agbunag? Dapat siya ang mangunang magpatigil sa mga iligal na pasugalan pero tong collection ang kanyang  inaatupag .

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply