Koreano ‘kinotongan’ ng 3 parak sa smoking ban

IMBES na warningan ng tatlong pulis ang isang Korean national na naaktuhang naninigarilyo sa pampublikong lugar sa Roxas Boulevard sa Malate Maynila ay nagawa pa nitong ‘kotongan’ ng P5000 ang nasabing foreigner.

Pormal na naghain ng reklamo kahapon, Miyerkules, sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section ang Koreanong si Kim Seiwoon , 29, binata, turista, taga-Seoul, Korea at pansamantalang nanunuluyan sa 1403 Boulevard Mansion Hotel sa Ermita, Maynila

Tatlong miyermbro ng MPD na nakatalaga sa Aristocrat Police Outpost na sakop ng Malate Police Station 9 ang itinuturong nanghulidap sa biktima, kabilang din ang isang kutsero na umnao’y kasabwat ng mga ito.

Dahil sa ipinakitang photo gallery sa MPD-GAS, positibong itinuro ng nasabing Koreano ang dalawa sa tatlong pulis na nakilalang sina PO1 Bendict Allan Prado at PO1 Arnel Paragas, kapwa nakaditine sa nasabing outpost.

Batay sa ulat ni PO3 Donald Panaligan na isinumite kay Sr., Insp. Ramon Meneses, deputy chief ng MPD-GAS,  dakong  4:30 ng hapon, noong Martes, nang maganap ang nasabing insidente habang naghihintay ng biktima ang kanyang kaibigan sa may Rajah Sulaiman Plaza sa Malate.

Dito na umano lumapit ang hindi pa nakikilalang kutsero at umano’y humingi ng sigarilyo, nang sindihan ay bigla na lamang lumapit ang tatlong pulis na nakatalaga sa naturang outpost saka binitbit ang nasabing Koreano.

Dinala ng mga suspek ang biktima sa loob ng nasabing outpost, saka sinabihan ito na bawal manigarilyo sa pampublikong lugar.

Sa takot na makulong, napilitang magbigay ng P5,000 ang biktima kapalit ng hindi pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Smoking Act.

Dahil walang cash ang turistang Koreano, nagpasama pa ito sa kutsero na mag-withdraw ng pera sa Citi Bank sa may Robinsons Mall, at dito na umano siya pinakawalan ng tatlong pulis.

Gayunman, habang sinusulat ang balitang ito, wala pang reaksyon ang mga akusadong pulis para mahingan ang kanilang panig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply