Krimen sa networking sites tumataas

PATULOY sa pagtaas ang mga krimen na isinasagawa sa pamamagitan ng social networking site tulad ng Facebook.

Sa tala ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, mula Enero hanggang sa unang bahagi ng Hunyo, umaabot na sa 56 na krimen ang naganap.

Kabilang dito ang estafa, identity theft, pornography at iba pang kaugnay na krimen.

Sinabi ni CIDG Director, Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr. na ang naturang tala ay halos walumpung porsyento na nang naitalang krimen sa pamamagitan ng social networking sites sa buong 2010.

Aminado rin ang PNP-CIDG na hirap silang sugpuin ang mga ganitong insidente dahil wala pang batas laban sa internet cybercrimes tulad ng identity theft.

Sa tala, sa nakalipas na 10 taon tumaas ng 1,000 porsyento ang mga internet user sa Pilipinas at ika-lima na ang bansa sa pinakamaraming Facebook users na umaabot sa halos 23 milyon.

Dahil dito, nananawagan ang PNP sa mga mambabatas na magpasa ng batas sa cyber crime at upang matugunan ang mga bagong krimen na nagaganap sa pamamagitan ng paggamit ng computer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply