Kris Aquino, sapaw ni Maricar Reyes

LUMALAMLAM ngayon ang career ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Ang dating daily show niya sa ABS-CBN na “The Price Is Right,” ngayon ay once a week na lang. Wala na rin naman siyang teleserye at talk show na ginagawa ngayon sa Dos. Hindi naman masasabi na show niya talaga ang PGT (Pilipinas Got talent) dahil napakarami naman nila dun sa show. Kumbaga hindi niya pwedeng angkining mag-isa ang credit.

Naroroon din kasi sina Luis Manzano at Billy Crawford, plus ang mga contestants.

Pero sabi naman ni Kris, hindi muna siya tatanggap ng mga show like talk show dahil iiwasan muna niya ang maging mainit na naman sa mata ng tao.

Pero kung susumahin, nagkakaroon ng mga project like commercial at pelikula si Kris dahil nagiging controversial ito.

Siguro naman hindi siya kukunin ng producer kung hindi mainit ang kanyang pangalan di ba?

Tulad ngayong lumalamlam ang career niya, unti-unti ng nag-aalisan ang kanyang mga commercial.

‘Yun na nga lang ini-endorso niyang pampaputi, si Maricar Reyes na ang naging endorser nito.

Kaya kung magpapatuloy na mananahimik ngayon si Kris, siguradong dadausdos pang pababa ang kanyang karera.

Di kaya magising na lang siya isang umaga hindi na pala siya kilala ng mga tao?

Isa pa, nagkakaedad na si Kris at hindi na siya bumabata. Buti kung bago siya malaos ng tuluyan ay sumabak na siya sa pulitika agad.

***

Star Magic talent na si Alakim!

PUMIRMA na ng kontrata si Alakim sa Star Magic kaya natutuwa ito ngayon dahil siya ang kauna-unahang nakapasok dito na isang magician. Pero hindi lang naman puro magic ang gagawin ni Alakim ngayong Star Magic talent na siya dahil nagwo-workshop siya ngayon sa pag arte.

Meaning, sasabak na rin siya sa matitinding akting tulad nung nakaraang episode ng “Mutya” kung saan nakasama siya at napuna ang kanyang galing sa pag-arte kahit isa siyang baguhan.

Anyway, naghahanda ngayon si Alakim dahil siya ang ipapadala ng ating bansa sa darating na WCOPA sa abroad. Dun maglalaban laban ang mga magagaling na artist natin sa boung mundo. Ipapakita ni Alakim ang kanyang galing sa pagma-magic.

Kaya lang isang nakakalungkot na balita ang nangyari kamakailan dahil pumanaw na ang kanyang anak na nasa tiyan pa lang ng kanyang asawa. Maayos na ang kalagayan ng kanyang asawa ngayon bagamat sumailalim ito sa isang operasyon.

Nagpasalamat na lang ang magaling na magician sa mga taong nagdasal para malampasan nila ang nasabing pagsubok sa buhay. Nakakalungkot lang isiping nang malaman ni Alakim na namatay na ang kanyang anak ay nasa show pa siya at nagpapatawa ng mga bata.

Ganun siya ka-professional. Kahit sa kalagitnaan ng kanyang pagtatanghal nalaman niyang namatay na ang kanyang anak ay kanyang itinuloy pa rin ang kanyang show. Kumbaga, the show must go on.

Kaya dapat ang tulad niya ang ating tulungan para mas lalong mamayagpag siya nang husto.

***

SA mga walang trabaho o kahit na may trabaho kung gusto nyo po ng sideline na  pwedeng pagkakakitaan, ang opisina po namin sa MOMS Care Company ay nagtuturo  po sa lahat ng mga interesado na mag-training sa paggawa ng perfume, perfume  lotion, diswashing liquid, fabric softener, detergent powder, shampoo, car shampoo at marami pa pong iba.

Pumunta lamang po sa aming opisina sa Rm. 208 Dona Consolacion Bldg. Gen, Santos St. Araneta Center Cubao, QC. Katabi lamang po ito ng Farmers Plaza at katapat naman po ng Puregold Cubao. Nagsisimula ang training namin sa ganap na ala-una ng hapon. Ito po ay libre at wala po kayong babayaran. Matututo na kayo, magkakaroon pa kayo ng mapagkakakitaan.

Hanapin nyo lamang po ang inyong lingkod, Mr. Benny Andaya..o kaya’y tumawag lamang o magtext sa 0927-936-1444, at 0933-3527079.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply