Kulong, multa para sa menor de edad na iinom ng alak

TATLONG buwan na pagkakulong at multang hindi bababa sa P10,000 ang nakalaang kaparusahan ng  mga  menor de edad na mahuhuling umiinom ng nakalalasing na inumin base sa isang isinusulong na batas.

Ipinagbabawal din sa mga ito ang pagpasok sa mga beer houses, videoke bars, night clubs at mga  kahalintulad na establisimyento anumang oras at araw kahit na magulang, guardian o kamag-anak pa nito ang may-ari.

Makakansela rin ang lisensya ng negosyo ng mga mahuhuling lumabag nito.

“The use of alcohol has become key public health issues requiring urgent attention. Hence, it is imperative to initiate proactive policies to curb alcohol consumption by children and teens consistent with the mandate of the Constitution,” ani Rep. Mary Mitzi Cajayon (2nd District, Caloocan City), author ng House Bill 4589.

Iginiit  ng lady solon ang pangangailangang magkaroon ng batas na ganito upang mahinto  ang  kabataan sa pagkakalulong  sa  alak na siyang pinagsisimulan ng krimen.

Binanggit ng mambabatas ang survey ng World Health Organization (WHO) na dalawa sa 10 kabataan na edad 15 hanggang 18 ay umiinom ng hindi bababa sa dalawang bote ng nakalalasing na  inumin. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply