150 nalason sa pagkain ng spaghetti

SPAGHETTI ang itinuturong dahilan ng pagkalason ng 150 katao sa Calumpit, Bulacan.

Ayon kay Calumpit municipal administrator Jojo Tomas, nakaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan ang mga biktima makaraang kumain ng spaghetti.

Dahil dito, iniimbestigahan na ng mga awtoridad, partikular na ang municipal sanitary team, ang paraan ng pagkakaluto ng spaghetti.

Nabatid na tumulong na rin ang provincial health officers at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply