Kung sa QC may ‘Papa Mayor’ sa Munti may ‘Papa Tom’ naman

KUNG sa Quezon City ay may isang “Papa Mayor” na  nakikialam sa mga pamamalakad ni Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista, sa Muntinlupa naman ay may “Papa Tom” din ang nakikikialam sa mga pamamalakad ni Mayor Aldrin San Pedro.

Ang usap-usapan nga ng mga taga-Muntinlupa sa kanilang lungsod ay dalawa raw ang kanilang kinikilalang mayor.

Ang isa ay si Mayor Aldrin San Pedro at ang  isa  ay ang “nearest kin” nitong kung tawagin ay “Papa Tom.” Si “Papa Tom” ang nasusunod sa pagmando sa mga illegal terminal sa buong Muntinlupa.

Katulad sa Quezon City,  pinakikialaman ni “Papa Mayor” ang ibang mga transaksyon ni Mayor Bistek na  pagkakakitaan niya.

Pero ibang klase kung “rumaket” ng kanyang pagkukuwartahan itong si “Papa Tom” ng Muntinlupa City.

Sa unang tingin sa ‘raket’ na illegal terminal ni “Papa Tom” ay parang  pang-maliitan lang.

Pero kung bubusisiin ninyo ng isa-isa ang ‘raket’ na illegal terminal ni “Papa Tom” ay madidiskubre ninyo na bagama’t pang-maliitan, limpak-limpak na pera pala ang kinikita ni “PapaTom” mula sa pawis ng mga kawawang driver ng bus, jeep, fx at van.

Si “Papa Tom” ang may hawak sa lahat ng mga illegal terminal sa Muntinlupa gaya sa  Alabang City terminal na  ang isang slot dito ay nagkakahalaga ng nasa P115,000 .
Sa kabuuan ng slot ay may 11 slot  ito na kung susumahin natin sa P115,000 ang isa ay malaki ang maibubulsa ni “Papa Tom.” (Itutuloy)

ILLEGAL LOGGING UNTOUCHABLE

Patuloy pa rin daw na pinoproteksyunan ni SPO1 Venturina ng R2 ng Region-2  ang talamak na illegal logging sa rehiyon. Walang aksyon ang mga superior ni SPO1 Venturina laban sa ginagawa nito.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply