Kuryente tataas ng P12/kwh sa susunod na 3 taon

NAKAAMBANG tumaas ng P12 kada kilowatt hour ang singil sa kuryente sakaling maipatupad nang tuluyan ang renewable energy program ng pamahalaan sa susunod na tatlong taon.

Ganito ang pagtataya ni Sen. Sergio Osmeña III matapos makipagpulong kamakailan sa National Renewable Energy Board (NREB) na nakatakdang magtayo ng iba’t ibang pagkukunan ng enerhiya na mapagkukunan ng 800MW.

Ayon kay Osmena, sakaling magsimulang magsuplay ng enerhiya ang mga renewable energy na itatayo ng pamahalaan sa halagang P8 bilyon kada taon, tiyak na madadagdagan ng P12 kada kilowatt hour ang singil sa kuryente.

Kabilang sa itatayong renewable energy source ng administrasyon ang solar, wind, hydro, biomass at iba pa, alinsunod sa renewable energy program ng pamahalaan kapalit ng lomolobong halaga ng gatong mula sa langis.

Sa loob ng tatlong taon, maglalaan ng P8 bilyon kada taon ang pamahalaan na siyang sisingilin naman sa billing ng kuryente kapag nagsimula nang magsuplay sa ilalim ng universal charge.

“It will be in your bill, parang universal charge iyan. You will be paying 12 centavos more per kilowatt hour,” ayon kay Osmeña.

Ngunit, sinabi ni Osmeña na pinipilit niyang gawing P3 bilyon kada taon ang gagastusin ng pamahalaan upang maibaba ang panibagong singil.

“The proposal now, more or less, is that the Filipino consumer will be subsidizing to the tune of P8 billion in three years’ time. Kasi magbi-bid pa sila eh. Kasi, they will bid it out now, so the project will be finished on the third year,” giit ni Osmeña.

Dagdag pa ni Osmeña: “I want to bring it down to P3 billion nga eh. See, that’s why I am saying that it must be technology neutral because if that happens, then they will have to pick the lowest price. So kung magbibigay sila, solar meron kayong 100 MW dito, eh alam ko P18 nga eh, P17.95.”

Nais din ng senador na renewable technology neutral ang programa upang hindi mapili ng magpapatakbo ng plantang magsusuplay ng kuryente ang mahal na gatong tulad ng solar energy na tiyak aabot sa P17-18 kada kilowatt hour ang dagdag na singil.

“Ang ginawa nila, nag-allocate sila. Iyong 5 technology, binanggit sa loob – ocean, solar, wind, biomass and mini-hydro. Ang sinabi nila, ‘We have 100 MW for solar, 100 MW for wind, ganun…ang total niyan 800 MW.,” ayon kay Osmeña.

“Eh teka muna, kung marami naman ang power supply ng mini-hydro and biomass, bilhin muna natin iyan sapagkat iyan ang pinakamura, P6 or P7. And the Filipino consumer does not have to subsidize the P17 solar. Maglagay tayo ng solar dun sa mga isla, dun sa mga off grid areas sapagka’t mahal talaga ang cost of power dun. Iyong diesel plant, that thing can cost as much as P15 per kilowatt hour. So, it’s okay there to pay for solar energy,” sinabi pa ng senador.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply