La Mesa dam umapaw na

UMAPAW na ang La Mesa dam, ala-una ng hapon sa Quezon City.

Ayon kay QC disaster control division head Noel Lansang, nagsimulang umapaw ang tubig sa nasabing water reservoir ala-una ng hapon kaya agad nilang inabisuhan ang mga naninirahan sa Tulyahan river na lisanin na ang kanilang mga bahay.

Itinaas na kanina ang ang alerto sa nabanggit na dam dahil na rin sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Bukod dito, nagpakawala na rin ng tubig ang Ipo dam sa Bulacan dahil sa labis na tubig na naipon sa kanilang reservoir.

Maging ang iba pang dam ay binabantayan na rin dahil sa maaaring panganib na idulot nito sa mga naninirahan malapit sa daanan ng tubig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply