Labs pa rin ni Valerie Concepcion ang Dos kesa sa Singko

MALAKING talent fee raw pala ang iniaalok kay Valerie Concepcion ng TV5 pero hindi nito kinagat dahil mas labs pa rin niya ang ABS-CBN.

Hindi siya nasilaw sa kinang ng salapi. Hindi siya naengganyo sa bagong bahay na may potensiyal din namang maging reyna siya.

Aba’y nu’ng sabihan daw si Valerie ng ABS na tigilan na nito ang paglabas sa “Mga Nagbabagang Bulaklak” ay agad itong tumalima.

Kahit wala pa sa oras ang pagkawala niya sa naturang soap ng Kapatid network, siya na mismo ang nagpatigbak sa kanyang karakter para lamang maka-eskapo sa nasabing teevee network.

Tingnan mo nga naman kung gaano ka-loyal si Val sa Kapamilya. Isang sitsit lang sa kanya na umuwi na, uwi naman agad siya.

Sabagay, pinahiram lang yata si Val ng Star Network sa TV5 kaya tama lamang na bawiin siya rito.

Actually, lumalabas na ang alaga ni Becky Aguila sa “100 Days to Heaven” na pinagbibidahan nina Xyriel Manabat at Coney Reyes.

Well, magkagayon pa man, kung mukhang pera si Val tiyak na hindi na siya uuwi sa rati n’yang bahay na pinamumugaran na nang mga sikat at mga talentadong talent.

Anyway, kahit limang taon pa ang plano ng huli na lumagay sa tahimik, kapag inalok daw siya ni Dondon Hontiveros ng kasal ay baka mapaikli ito. Ngunit kung hindi naman ang basketbolistang ito ang mapapangasawa n’ya, malamang daw na humaba pa ang binigay niyang taning sa kanyang sarili para mag-asawa.

***

DALAWANG rason lang daw ang puwedeng isipin kapag ang isang aktor na nagkakaedad na ay wala pang asawa. Kung di s’ya bading ay merong bading na may hawak sa kanya.

Sa palagay natin wala sa unang rason si Diether Ocampo. Sa pangalawa kaya, maaari?

Hehehehe!

Mabuti pa si Piolo Pascual kahit kinu-kuwestiyon ang kanyang pagkalalaki, at least, may girlfriend siya, si KC Concepcion.

Si Diether, kumusta naman? Kahit siyota wala, samantalang gwapo naman siya, makinis ang balat at maganda naman ang pangangatawan.

Oks pati ang abs niya. Pero dahil sa may edad na rin siya, hayun at pati ang noo niya ay may abs na rin. Hahahaha!

***

MATINDI ang mga tagahanga ni Willie Revillame. Kapag nasusulat ng negatibo ang kanilang idolo, magbabanta sila. Pero kapag pinupuri naman, wala man lang pasasalamat.

Si Willie kahit nababanatan ‘yan, dakdak lang nang dakdak ‘yan. Pero ang manakit ng tao hindi niya gawain ‘yan.

Kaya hinay-hinay lang kayo mga tol. Kahit bagsak ang rating ng show ng inyong hinahangaang TV host at kapiranggot lang ang komersiyal, makababawi rin ‘yan. Basta hindi nagpapabaya sa kanyang trabaho at parating nando’n ‘yung sigla at pagpupursige na maiangat ang show, siguradong makababalik din siya sa rati.

Ngayon pa ba susuko si Willie gayong ang dami na niyang pinagdaanan sa trabahong ito? Marami nang nasayang na buhay. Pero marami rin namang natutulungan. At sandamakmak na ang hinaharap na problema, isyu at kung anu-ano pa, hayan at nand’yan pa rin s’ya.

‘Yun lang!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply