Lady broadcaster, pamangkin 11 araw nang missing

MAHIGIT 11 araw nang nawawala ang isang babaeng blocktime broadcaster at pamangkin nito na hinihinalang dinukot sa San Pablo City, Laguna.

Batay sa ulat, mula Mayo 22 nang huling makita ang broadcaster na si Marlene de Mesa, blocktime anchorwoman ng isang FM station sa Lucena City, nang makipagkita umano sa kanyang kaibigan sa isang restaurant sa nasabing lugar.

Ayon kay Quezon Provincial director chief S/Supt. Ericson Velazquez, wala pa silang impormasyon sa pagkawala ni Marlene na kasama ang pamangkin nitong si Vanessa Tabale, 24, pawang ng Pagdilao, Quezon.

Maging ang ginamit na sasakyan ng broadcaster na Isuzu pick-up na may plate number na BFO-290 ay hindi rin matagpuan kaya naghinala ang pulisya na maaaring dinukot ang magtiya.

Palagay din ng pulisya na may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang pagdukot dito dahil nitong nakaraang linggo ay may binabanatan itong mga matataas na opisyal ng lungsod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply