Lahat ng barangay sa Maynila talamak sa droga

IDINEKLARANG 100 porsiyento o lahat ng barangay sa lungsod ng Maynila ay talamak sa iligal na droga dahil lumalabas na lahat ng barangay dito ay may naninirahan na mga drug addict at mga drug pusher.

Ito ay base sa ulat na pinalabas ng Philippine Drug  Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa proliferation ng droga sa lungsod ng Maynila na isinumite kay Barangay Bureau chief Atty. Annalyn Buan.

Ikinaalarma ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang ulat kung kaya’t isang command conference ang kanyang ipinatawag Martes ng umaga na dinaluhan nina Chief of Staff at Media Bureau chief Ric de Guzman at Manila Police District Director P/Chief Supt Roberto Rongavilla kasama ang lahat ng police station commanders.

Ayon kay Lim, dapat na gumawa ng istratehiya upang ma-neutralize ang mga drug pusher at dealers. ]

Para naman sa mga adik, pinadadala sila ni Lim sa mga rehabilitation center na nasa bisinidad ng Manila North Cemetery.

Base sa ulat ng PDEA na natanggap ni Buan, lahat ng 197 barangay na bumubuo sa lungsod ng Maynila ay may adik at nagtutulak ng droga, kung saan sinasabing may mga pulis na protektor.

Lumalabas pa lahat ng mga barangay ay may suliranin sa ipinagbabawal na gamot kaya wala ni isa mang drug-free barangay na idedeklara sa lungsod.

Kumpara sa Makati City at Quezon City ay may mga barangay na itinuturing na drug-free.

Kasama sa mga nangunguna sa talaan ng mga distritong talamak sa droga ay ang Tondo; Sta Cruz; Sta Mesa; Binodo; Malate; Quiapo at Pandacan.

Sinabi pa ng PDEA na ang Quezon City na may malawak na saklaw na lupain ay mayroong mga barangay na idineklarang drug-free  habang ang Makati ay may 85 porsyento ng drug problem sa kabuuan bilang ng kanilang barangay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply