Lakas ni Falcon humuhupa na

MATAPOS ang malakas na ulan kahapon, Hunyo 23, humuhupa na ngayon ang lakas ng bagyong Falcon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, inaasahang unti-unti nang magiging maayos ang panahon habang kumikilos si Falcon patungong north.

“(Base sa) pinakita ng pag-ulan ngayon, mukhang lumipas na ang pinaka-worst ng pag-ulan,” ayon kay PAGASA forecaster Gener Quitlong sa isang panayam sa dzBB.

Ayon pa kay Quitlong, naibuhos na ni Falcon ang pinakamalakas na puwersa nito kahapon ng 5 hanggang 8 na tinatayang may lakas na 95 mm kada oras.

Bandang 8 p.m. to 2 a.m. Friday, naging 9mm kada oras nalamang ito.

Pinapayuhan pa rin ang mga mangingisda sa Luzon at Visayas na huwag munang pumalaot sa dagat dahil sa malakas na alon at hangin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply