Lalaki ginilitan ng leeg, binalot sa packing tape

GINILITAN ng leeg at binalutan ng packaging tape ang buong katawan saka isinilid sa sako ang isang ‘di-nakilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage, Biyernes ng madaling araw, Hunyo 3, sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 30 hanggang 35, may taas na 5’, nakasuot ng puting medical student uniform.

Sa ulat ni PO2 Bernardo Cayabyab, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-kuwatro ng madaling araw nang mapansin ni Reynaldo Manalang, 41, ex-barangay officer ng Barangay 471, Zone 46, District 4, ang isang sako habang ito ay nagpapatrolya sa Laong-Laan at Asturias Sts. sa Sampaloc.

Dahil duda ito sa nilalaman ng sako ay agad niyang ipinagbigay alam sa pulisya ang insidente.

Nang buksan ang sako ay tumambad ang bangkay ng isang lalaki na nakabalot ng packing tape mula ulo hanggang paa saka inilagay sa kulay itim at puting plastic garbage bag at plastic sack.

May placards ding nakita sa katawan ng biktima na may nakasulat na “HUWAG TULARAN, SALISI, PATAWAD PO SA AKING NABIKTIMA.”

Nakita rin ang isang identification card na may pangalang Rodelito Bibe na nag-aaral sa Tech Pacific College ng Information Technology.

Ayon naman sa pulisya, hindi umano kamukha ng biktima ang nakitang ID sa kanyang katawan kaya posible umanong pag-aari ito ng isa sa nabiktima nito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply