Dahil nanghipo, kelot binugbog, kalaboso pa

BUGBOG sarado ang isang 22-anyos binata makaraan umanong hipuan ang isang dalagita habang nag-iinuman sa Quezon City kagabi, Huwebes.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Marvic Ventura, 22, binata, walang trabaho, ng San Carlos, Pangasinan, kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

Nagharap naman ng reklamo ang biktima na kinilala lamang sa pangalang “Danica”, 15, 4th year high school student.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente dakong alas-onse kagabi malapit sa bahay ng biktima sa Marcel Drive, Barangay Sangandaan ng nasabing lungsod.

Sinabi ng ina ng biktima na si Jerrilyn Gargar, 33, may asawa, ng 28 Marcel Drive, Barangay Sangandaan, kay PO2 Princess Melayo na ipinagharap niya ng reklamo ang suspek dahil sa panghahawak umano ng suspek sa kamay at tiyan ng biktima.

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman umano ang suspek kasama ang kanyang mga kaibigan sa malapit sa bahay ng biktima, bumibili ang biktima sa tindahan na malapit dito nang hawakan umano si Danica ng suspek sa kanyang kamay at tiyan.

Dahil dito, nagsisigaw ang biktima at humingi ng tulong na nakatawag naman ng pansin sa mga tambay sa lugar. Pinag-gugulpi naman nito ang suspek na agad namang nadakip ng mga barangay officials at pulis.

Kasalukuyan ngayong nakapiit ang suspek sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong act of lasciviousness in relation to Republic Act 7610 na mas kilala sa tawag na child abuse.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply