Lalaki kritikal matapos putulin ang sariling ari

NASA KRITIKAL na kalagayan ngayon ang isang lalaki matapos nitong tangkaing magpakamatay sa pamamagitan ng pagputol ng kanyang sariling ari sa Cagayan de Oro City.

Ang biktima na nakilalang si Agentio Ranay, 47, may asawa, ng Maramag, Bukidnon, ay pilit na isinasalba ng mga doktor sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) dito sa siyudad matapos nitong putulin ang kanyang sariling ari at maglaslas ng sariling leeg at pulso.

Ayon kay Agnes Ranay, asawa ni Agentio, nakita na lamang niya na nakahandusay na ang kanyang asawa na duguan at walang malay sa ilalim ng kanilang niyogan.

Agad siyang tumawag ng saklolo at dinala si Agentio sa NMMC, mga tatlong oras ang layo mula sa Maramag.

Ngunit sa pag-iimbistiga, walang masabi si Ginang Ranay kung ano ang dahilan sa tangkang pagpakamatay ng kanyang asawa.

Sinabi na lamang niya na isang linggong hindi naka-uwi sa kanilang bahay ang biktima matapos itong maglayas.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply