Lalaki pinagtulungan ng mga kaaway, patay

DEDO ang isang lalaki matapos pagtulungang pagsasaksakin ng mga kaaway habang ang una ay nakatambay sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Hunyo 13.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tinamoing saksak sa katawan si Dario Miranda, 48, residente ng Phase 7C, Bagong Silang, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Alvin Estrella, 27, isang alyas Intoy na pawang kalugar ng biktima at isa pang hindi nakikilalang kasama nito.

Base sa ulat, dakong 8:30 ng gabi, nakatambay ang biktima malapit sa kanilang bahay nang lapitan at pagtulungang pagsasaksakin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay agad na nagsitakas ang mga suspek.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pananaksak.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply