Lalaki pinatay habang nagsusugal

TIGOK ang isang lalaki matapos tarakan ng kaaway habang ang una ay nagsusugal sa Caloocan City Linggo ng gabi.

Namatay sa Quezon City General Hospital sanhi ng saksak sa leeg si Evanaser Marcos, 42, ng Kalayaan St., Bagong Barrio ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Reymond Cortez, 23, ng Pioneer St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-onse ng gabi ay nagsusugal ng cara y cruz ang biktima sa Kalayaan St. nang sumulpot ang suspek at walang salitang sinaksak si Marcos.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa QCGH kung saan inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng pananaksak.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply