Lalaki sinagpang, nilapa ng buwaya, patay

BUMAKAT ang mga ngipin ng buwaya sa katawan ng isang lalaking natagpuang wala nang buhay sa Bataraza, Palawan, na hinihinalang sinagpang at nilapa ng buwaya.

Natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima, na nawawala pa ang kanang paa, habang nakahiwalay naman ang kaliwa, Miyerkules ng umaga.

Nabatid na umalis ang biktima sa kanyang bahay sa Barangay Rio Tuba sa bayan ng Batazara Martes ng madaling-araw subalit hindi na ito nakabalik.

Hinihinalang kinagat muna ng buwaya ang lalaki sa kanyang kilikili bago sinagpang ang kanyang mga paa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply